Sinabi kahapon ni Jay Carney, tagapagsalita ng White House na gumawa na si pangulong Barack Obama ng E.U. ng pinakahuling kapasiyahan hinggil sa isyu ng pag-uurong ng tropa mula sa Afghanistan, at bibigkas siya ng talumpati sa National Television ngayong gabi para ipabatid ang kapasiyahang ito.
Sinabi ni Carney na ang pokus ng naturang talumpati ni Obama ay plano ng tropang Amerikano sa yugto ng pagsisimula ng pag-uurong, at ang planong ito ay kabilang sa framework na ililipat ng NATO ang responsibilidad na panseguridad sa Afghanistan sa 2014. Nauna rito, ipinangako ni Obama na iurong ang tropa mula Hulyo ng 2011, at tutupdin niya ang pangakong ito, ito ang pangunahing nilalaman ng talumpati niya ngayong gabi.
Salin:Sarah