|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Abhisit Vejjajiva, Lider ng Democrat Party at Punong Ministro ng Gabinete ng Thailand, na nakatakdang idaos ngayong araw ng kanyang partido ang malawakang pangangampanya sa Ratchaprasong Junction sa Bangkok.
Sinabi ni Abhisit na ang pangangampanyang ito ay hindi pinakahuling pagsisikap ng Democrat Party, dahil 10 araw pa ang natitira bago ang botohan para sa mababang kapulungan. Patuloy na palalakasin aniya ng partidong ito ang pagsisikap sa pinakahuling yugto ng kampanya, at umaasang makakakuha ang Democrat Party ng lampas sa 250 luklukan ng mababang kapulungan.
Kaugnay nito, nagpalabas kahapon ang Pheu Thai Party o PTP ng pahayag kung saan iminungkahi sa mga miyembro ng PTP na huwag magsadya sa pagdarausan ng kampanya ng Democrat Party.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |