Nagpahayag kahapon ang Ministri ng Komersyo ng Tsina ng kalungkutan sa ruling na ginawa ng World Trade Organization (WTO) hinggil sa paghahabla ng Estados Unidos, Unyong Europeo (EU) at Mexico sa pagbibigay ng Tsina ng limitasyon sa pagluluwas ng mga hilaw na materiyal.
Ipinahayag ng naturang ministring Tsino na sa pangangailangan sa pangangalaga sa kapaligiran at lubos na paggamit ng mga likas na yaman, nitong ilang taong nakalipas, pinalakas ng pamahalaang Tsino ang hakbangin ng pamamahala sa ilang materiyal, partikular na sa mga materiyal na mataas ang polusyon, mataas ang konsumo ng enerhiya at yaman.
Salin: Li Feng