Ayon sa datos na ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, umabot sa 20.4459 trilyong Yuan RMB ang GDP ng Tsina na lumaki ng 9.6% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Sinabi ng tagapagsalita ng naturang kawanihan na sa huling hati ng taong ito, dapat igiit ang patakaran ng makro-ekonomiya at panatilihin ang pagpapatuloy at katatagan nito, at ipauna ang pagpapatatag ng presyo sa makro-kontrol para mapasulong ang mainam at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan.
Salin: Andrea