
Sa isang resolusyong pinagtibay kahapon ng ika-65 Asemblea ng United Nations(UN), tinanggap nito ang Republikang Bayan ng South Sudan, bilang ika-193 kasaping bansa nito.

Samantala, ipinahayag naman ni Ban ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang pagbati sa pagsapi ng South Sudan. Umaasa rin si Ban na malulutas, sa lalong madaling panahon, ng Sudan at South Sudan ang mga isyung naiwan na kinabibilangan ng paghahati ng hanggahan, at likas-yaman, para sa kanilang intensified cooperative partnership.