|
||||||||
|
||
Maalwang ipininid na sa Bali Island ng Indonesia ang isang serye ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ika-18 ASEAN Regional Forum (ARF). Dumalo at nagtalumpati sa pulong si Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina. Tinukoy niya na natamo ng naturang serye ng pulong ang positibong bunga sa mga aspektong gaya ng pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon ng Silangang Asya, pagpapalalim ng pagtitiwalaan ng mga bansa sa rehiyong ito, pangangalaga sa katatagang panrehiyon at pagpapasulong ng pag-unlad ng rehiyon.
Tumagal nang 8 araw ang nasabing serye ng pulong na kinabibilangan ng ika-44 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN (10+1), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), Pagsasanggunian ng mga Ministrong Panlabas ng Summit ng Silangang Asya, Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ika-18 ARF at iba pa. Sa panahon ng kaniyang pagdalo sa serye ng pulong, nakipagpalitan ng kuru-kuro si Ministrong Panlabas Yang Jiechi sa kaniyang mga counterpart ng mga bansa hinggil sa relasyon ng Tsina at ASEAN, kooperasyon ng Silangang Asya at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Bukod dito, tinalakay sa pulong ng iba't ibang bansang ASEAN ang hinggil sa mga isyung kinabibilangan ng pagpapasulong ng konstruksyon ng integrasyon ng ASEAN, pagpapabilis ng kooperasyon sa pagpigil at pagbabawas ng kalamidad, pagtatatag ng organong pangkapayapaan ng ASEAN, pagpapalakas ng kakayahan ng ASEAN sa paglutas sa mga alitang panloob at iba pa.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |