|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Ginoong Raul S. Hernandez, taga-pagsalita ng Department of Foreign Affairs na bagama't wala pang tiyak na petsa sa pagdalaw ni Pangulong Aquino sa Tsina, magaganap ito sa huling linggo ng Agosto o sa unang linggo ng Setyembre.
Sa isa pang okasyon, sinabi ni Kalihim Albert Del Rosario na higit na magiging agresibo ang Pilipinas sa larangan ng "economic diplomacy." Ito ang buod ng kanyang mensahe ng makaharap niya ang mga mamamahayag sa Manila Polo Club kagabi.
Suportado umano ng Department of Foreign Affairs ang pananaw ni Pangulong Aquino upang maibsan ng kahirapan at magkaroon ng malinis na pamahalaan sa pamamagitan ng economic diplomacy.
WALA pang medical bulletin na ipinalalabas ang St. Luke's Medical Center tungkol sa kinahinatnan ng operasyon kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Tumawag ang inyong lingkod sa Costumer Affairs Division ng pagamutan at hindi umano sila umaasang maglalabas ng medical bulletin bago sumapit ang ikalima ng hapon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |