Pagkaraan ng aksidente ng train crash na naganap noong ika-23 ng buwang ito sa Wenzhou, ipinahayag kahapon ng Ministri ng Daambakal ng Tsina na magsasagawa sila ng isang malawakang safety inspection para maanalisa ang komprehensibong kalagayan ng kaligtasan ng high-speed railway, mapabuti ang kaligtasan nito at mapalakas ang kakayahan ng sistema ng daambakal sa paggagarantiya sa kaligtasan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, maling signal ang sanhi ng naturang aksidente. Kaugnay nito, ipinahayag ng ministring ito na ang aksidenteng ito ay nagpapakita ng kakulangan ng mga railway operators sa pagsasaoperasyon at mahinang kakayahan ng mga tauhan sa paghawak ng mga biglaang pangyayari.
Ayon pa rin sa ministri, sa pamamagitan ng maraming taong pag-unlad, bagama't nagtamo na ng takdang progreso, marami pa ring kinakaharap na problema at hamon ang Tsina sa konstruksyon, paggawa ng kagamitan at pagsasaoperasyon ng high-speed railway. Bilang tugon, magsasagawa ito ng maraming hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan ng daambakal.