|
||||||||
|
||
Lumipad patungong Tokyo, Japan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kahapon upang makausap si Al Haj Murad Ibrahim, chairman ng Moro Islamic Liberation Front. Sa kanilang pag-uusap, napagkasunduan nilang madaliin ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front. Naganap ang pag-uusap kagabi.
Walang nakatunog sa palihim na paglalakbay ni Pangulong Aquino patungo sa Tokyo at katanghalian na ng pumutok ang balita dito sa Kamaynilaan.
Nagkasundo umano sina Ginoong Aquino at Ginoong Ibrahim na tapusin ang negosasyon sa loob ng kasalukuyang administrasyon na magtatapos sa taong 2016.
Naganap ang pag-uusap sa isang pook malapit sa Narita Airport kagabi Ayon kay Philippine government chief negotiator Marvic Leonen, si Pangulong Aquino na mismo ang humiling ng mag-usap sila ni Ginoong Ibrahim samantalang inihahanda ng pamahalaan ang mga talking points para sa opisyal na pag-uusap,
Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas na humarap ang pangulo ng bansa sa pinuno ng isang insurgent group. Nagkaroon din ng one-on-one meeting ang dalawang pinuno na pawang mga note-takers lamang ang mga kasama.
Naging maayos umano ang pag-uusap ayon sa mga balitang lumabas sa media. Binanggit ni Ginoong Leonen na nagpalitan ng mga pananaw ang dalawang pinuno kung paano matatamo ang kapayapaan sa Katimugang Pilipinas.
Ilang kasapi ng gabinete ang isinama ni Pangulong Aquino sa Japan. Kabilang sina Peace Adviser Teresita Quintos-Deles, Defense Secetary Voltaire Gazmin, National Security Advier Cesar Garcia, Budget Secretary Florencio Abad, Finance Secretary Cesar Purisima at Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
Kasama naman ni Al Haj Murad Ibrahim sina Chief Negotiator Mohaquer Iqbal na nakapanayam na ng China Radio International-Filipino Section at Vice Chairman for Political Affairs Ghazali Jaafar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |