![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
NAGKAUSAP na ang mga opisyal ng Pilipinas at Tsina sa larangan ng kalakalan ngayong Biyernes para sa ika-27 Philippines – China Joint Commission on Economic and Trade Cooperation sa Shanghai.
Ang Pilipinas at Tsina ay nakatakdang gumawa ng development framework para sa trade at economic cooperation.
Ang dalawang bansa ay nakatakdang magbalik-aral sa iba pang mga paraan upang mabawasan ang agwat sa larangan ng trade at investments at mapalakas ang technical cooperation at trade promotions.
Noong nakalipas na taon, nakabilang ang Tsina sa mga nangungunang kabakas ng Pilipinas sa kalakalan. Ang bilateral trade sa pagitan ng dalawang bansa ay umabot sa $ 10.31 B.
Ayon kay International Trade Undersecretary Adrian S. Cristobal, Jr., lumago ang mga ipinagbili ng Pilipinas sa Tsina at tumaas ng may 94.61% kung ihahambing sa taong 2009 at samantalang hindi pa napapalawak ng husto ang pag-uugnayan ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |