Sa pangunguna ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina at kanyang may-bahay na si Liu Yongqing, idinaos ngayong araw sa Shenzhen ng probinsyang Guangdong, Tsina ang maringal na resepsyon para sa pagsalubong sa mga mataas na panauhin dadalo sa seremonya ng pagbubukas o iba pang aktibidad ng Ika-26 World University Games.
Sa kanyang talumpati sa resepsyon, mataas na pinapurihan ni Hu ang pagsisikap na isinagawa ng World University Games para mapasulong ang pagpapalitan at pagkakaibigan ng mga kabataan sa buong daigdig.
Dumalo sa resepsyon sina George Killian, Tagapangulo ng International University Sports Federation, Irina Gueorguieva Bokova Pangkalahatang Kalihim ng United Nations Educational,Scientific and Cultural Organization (UNESCO), Pangulong Armando Emilio Guebuza ng Mozambique at mga lider ng iba pang bansa at pamahalaan.