Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Labing-tatlong priority measures pinag-usapan

(GMT+08:00) 2011-08-16 18:47:52       CRI

LABING-TATLONG mahahalagang panukalang batas ang ipinaabot ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa pagpupulong ng Legislative Executive Development Advisory Council sa Malacanang kanina. Dinaluhan ang pagpupulong nina Senate President Juan Ponce-Enrile at Speaker Feliciano Belmonte at mga pinuno ng iba't ibang tanggapan ng pamahalaan.

Kabilang sa mga hinihiling ni Pangulong Aquino sa mga mambabatas ay ang pagsusog sa Human Security Act of 2007, pagsusog sa batas na sumasaklaw sa People's Television Network, pagsusog sa Rural Electrification Program, pagsasa-ayos ng Excise Tax sa Alcohol at Tobacco products, at panukalang batas para sa pagsasaayos ng hangganan ng mga kagubatan sa public domain at pagbibigay ng higit na proteksyon para sa mga mananaid o consumers.

Hiniling din ni Pangulong Aquino ang pagsasa-ayos ng mga batas na magsasanggalang sa individual personal data sa information at communications systems sa pamahalaan at maging sa pribadong sektor.

Ayon sa Tanggapan ng Pangulo, hiniling din ni Pangulong Aquino ang pagbalasa sa Philippine Statistical System, at paggagawad ng mas mabigat na parusa sa pagnanakaw o pagsira sa government risk reduction and preparedness equipment, accessories at iba pang kagamitan.

Kailangan din umano ang pagbibigay ng dagdag na benepisyo at proteksyon para sa mga kasambahay at pagpapalawak ng coverage ng Science and Technology Scholarship Program at pagsusog sa Republic Act No. 7279 o Twenty Percent Balanced Housing at ang pinaka-kontrobersyal ay ang Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development.

Nagpaabot naman ng kanyang kalungkutan si Cebu Archbishop Jose S. Palma sa pagsusulong ni Pangulong Aquino ng Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development bill na tinututulan ng Simbahan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>