Lumisan kahapon ng Estados Unidos si Vice President Joe Biden ng E.U. bilang pormal na pagbisita sa Tsina. Ayon sa White House, ang layunin ng pagbisita ni Biden ay upang ipagpatuloy ang mataas na lebel ng pagdadalawan sa pagitan ng E.U. at Tsina at upang makipagpalitan ng mga palagay sa mga lider ng Tsina sa mga isyu hinggil sa bilateral na relasyon ng Tsina at E.U at kaligtasan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Ang pagbisita ni Biden ay nasa paanyaya ni Vice President Xi Jinping ng Tsina. Ang pormal na pagbisita ay magsisimula ngayong araw at magtatapos sa ika-22 ng buwang ito. Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Biden bilang Bise Presidente ng E.U. sa Tsina.
Salin: Joshua