![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PORMAL nang ibinalita ng Department of Foreign Affairs ang state visit ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Tsina sa paanyaya ni Pangulong Hu Jintao mula sa Martes, a-30 ng Agosto hanggang Sabado, a-tres ng Setyembre taong 2011.
Ang state visit na ito ang paraan upang mapalakas ang higit sa tatlumpung taong pagkakaibigan ang magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Inaasahang magkakaroon ng kauna-unahang summit meeting sa pagitan ni Pangulong Aquino at Pangulong Hu Jintao na higit na magtataas sa antas ng relasyon ng dalawang bansa.
Ang pagdalaw na ito ang inaasahang magsusulong ng sinasabing people-centered partnership upang magkaroon ng higit na kalakal, investments, media, kultura, edukasyon at tourism exchanges sa magkabilang panig.
Sa pagdalaw na ito'y ipakikitang ang Pilipinas ay isang maganda at kapaki-pakinabang na pupuntahan at paglalagakan ng kalakal.
Kabilang sa highlights ng pagdalaw ang pagpapasigla sa Joint Action Plan on Strategic Cooperation na nilagdaan noong a-29 ng Oktubre, 2009 at ang paglagda sa Philippines – China Five Year Development Program for Trade and Economic Cooperation.
Isang malaking business delegation ang makakasama ni Pangulong Aquino upang makita ang investment, trade at tourism opportunities.
May mga pagpupulong sa larangan ng kalakal sa Beijing, Shanghai at Xiamen sa pagdalaw na ito. Kabilang sa mga bumubuo ng business delegation ay ang Philippine Chamber of Commerce and Industry at ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |