Department of Interior and Local Government kumilos upang matiyak ang kaligtasan ng mga Turista
(GMT+08:00) 2011-08-19 19:09:15 CRI
IPINATUTUPAD na ng Department of Interior and Local Government sa Philippine National Police and nilalaman ng Letter of Instructions "Bantay Turista," na siyang nagtatakda ng mga pamamaraan upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista, maging mga banyaga at mga Pilipino, kabilang na ang mga nagmula sa Hong Kong, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lahat ng mga pinapasyalan ng mga turista.
Kumilos na rin ang pulisya upang madakip at maipagsakdal ang mga kasapi sa "Bundol Gang" na nangbibiktima ng mga turista na kadarating pa lamang sa bansa mula sa mga paliparan sa pagkukunwaring binabangga ang likurang bahagi ng mga sasakyan at sa oras na bumaba ang tsuper, saka lamang sinasabihang isang hold-up ang nagaganap.
Nagsagawa na rin ang DILG Local Government Academy, sa pakikipagtulungan sa Philippine Public Safety College, National Defense College of the Philippines at Philippine National Police ng Workshops on Crisis Management for Local Government Units. Layunin ng mga pagtitipong ito ang mamulat ang mga punong lalawigan at punong bayan sa kanilang mga nararapat gampanan sa oras na may maganap na krisis, partikular na ang kidnapping, carnapping, hostage-taking at pambobomba.
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig