Ipinahayag kahapon ng Kagawarang Panlabas ng Pilipinas na ang pagdalaw ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa Tsina ay magpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Raul Hernandez, Tagapagsalita ng Kagawarang Panlabas ng Pilipinas na ang pagdalaw na ito ay magpapalakas ng pagkakaibigan at relasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Pilipinas at Tsina na naitatag mahigit 30 taon na nakalipas. Isiniwalat niyang kakatagpuin ni Aquino si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa kauna-unahang pagkakataon at ang pagtatagpo ay magbibigay ng pag-asa sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon sa "pinakamataas na lebel."
Ipinahayag rin niyang umaasa ang Pilipinas na mapapataas ang partnership ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagdalaw na ito at mapapasulong ang mas maraming pagpapalitan sa aspekto ng kalakalan, pamumuhunan, media, kultura, edukasyon at turismo.
salin:wle