Sa kanyang pakikipagtagpo dito sa Beijing ngayong araw kay Joseph Biden, dumadalaw na Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos, ipinahayag ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang pagtitiwalaan, pawiin ang pagdududa, palakasin ang pagkokoordinahan, maayos na hawakan ang mga kontradiksyon at bawasan ang iba't ibang hadlang para mapasulong ang komong kaunlaran.
Ipinahayag naman ni Biden na winewelkam ng panig Amerikano ang pagpapalawak ng Tsina ang pamumuhunan nito sa Amerika at tulungan ang panig Amerikano na dagdagan ang hanapbuhay. Igagarantiya aniya ng panig Amerikano ang pamumuhunan ng Tsina sa kanyang bansa at utang na Dolyares ng kanyang bansa sa Tsina. Palalakasin nila ng Tsina ang pagkokoordinahan sa multilateral na mekanismo at mga suliraning panrehiyo't pandaigdig para maipakita sa buong daigdig ang kanilang kompiyansa.
Salin:Vera