Ipinahayag ngayong araw ni Ma Zhaoxu, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nananalig ang kanyang bansa na ang pagdalaw ni Benigno Simeon Cojuangco Aquino III, Pangulo ng Pilipinas ay ibayo pang magpapasulong sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Pilipinas.
Sinabi ni Ma na ito ay ang kauna-unahang pagdalaw ni Aquino sa Tsina, sapul nang manungkulan siya bilang pangulo. Makikipagtagpo at makikipag-usap kay Aquino ang mga lider ng Tsina sa kaniya at magpapalitan sila ng mga palagay hinggil sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon, pagpapasulong ng kooperasyon sa iba't ibang larangan at pagpapalakas ng koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Aniya, laging pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon nito sa Pilipinas.
salin:Wle