![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
NAGPAHAYAG ng kanyang kagalakan si Ambassador Liu Jianchao ng Tsina sa nakatakdang pagdalaw ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Beijing, Shanghai at Xiamen sa Tsina mula sa Martes, a-treinta sa buwan ng Agosto hanggang sa Linggo, ika-apat sa buwan ng Setyembre.
Isa umanong makasaysayang pagdalaw ang gagawin ni Pangulong Aquino sapagkat ito ang unang pagkakataong dadalaw siya sa bansang hindi kabilang sa Association of South East Asian Nations. Halos tradisyon na sa mga pangulo ng bansa na unang dinadalaw ang Estados Unidos.
Sa isang press briefing sa kanyang tahanan sa Dasmarinas Village, sinabi ni Ambassador Liu na ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng tatlong business forum sa iisang state visit. Magkakaroon ng pagpupulong ang mga mangangalakal sa Beijing, sa Shanghai at maging sa Xiamen. Magkakaroon din ng mga paglagda sa mga kasunduang higit na magpapalakas sa kalakalan at pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ayon kay Ginoong Liu, mga nangungunang kumpanyang Tsino ang makakaharap ng mga mangangalakal na Pilipino sa mga pagpupulong sa Tsina.
Magkakaroon ng pag-uusap sina Pangulong Hu Jintao at Pangulong Aquino sa Beijing. Ayon kay Ambassador Liu, isa lamang ang isyu ng Spratlys sa pag-uusapan ng dalawang pangulo.
Sa pagdalaw na ito ni Pangulong Aquino, magkakaroon din siya ng pagkakataong makadaupang palad ang mga kamag-anak ng kanyang mga ninuno sa Xiamen.
Nang tanungin kung ano ang posisyon ng Tsina sa naganap sa mga turistang mula sa Hong Kong noong nakalipas na taon, sinabi ni Ambassador Liu na iginagalang nila ang desisyon ng Hong Kong nna magkaroon ng pansamantalang pagbabawal sa pagdalaw sa Pilipinas sapagkat isa nang special administrative region mula ng ibalik ito ng United Kingdom noong 1997.
Ipinaliwanag din ni Ambassador Liu na kailangan ng bansa ang daang bakal kaya't umaasa siyang matutuloy pa ang North Rail project at mapag-uusapan sa pagdalaw ni Pangulong Aquino sa Tsina.
Sa larangan ng sandatahang lakas, layunin ng Tsina na ipagpatuloy ang pagsasanay ng mga opisyal at mga kawal ng Pilipinas at magkaroon ng pagpapalitan ng mga dalubhasa upang matuto ng mga makabagong pamamaraan.
Iginiit ng mga mamamahayag kung ano ang tingin ng Tsina sa South China Sea o West Philippine Sea at kung ito'y maituturing na isang "flashpoint" at ipinaliwanag naman ni Ambassador Liu na hindi nila nakikita na magiging mitsa ng 'di pagkakaunawaan ang karagatang ito sapagkat naninindigan ang Tsina sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bahaging ito ng daigdig. Sinabi pa niya na wala sa mga bansang naghahabol sa mga kapuluang nasa karagatang ito ang nagnanais na masira ang mapayapang kalagayan ng karagatan at ng magkakalapit na bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |