Sinabi kamakailan ni Gregory Domingo, Kalihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, na ang gagawing pagdalaw ni Pangulong Benigno Aquino III sa Tsina ay magbibigay ng napakalaking pagkakataon sa pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Domingo na ang isang pokus ng naturang pagdalaw ay pagpapasulong ng pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina at lalagdaan ng dalawang bansa ang isang serye ng mga kasunduang pangkooperasyon.
Dagdag pa niyang umaasa ang panig Pilipino na mahihikayat ang mas maraming pamumuhunang Tsino sa aspekto ng imprastruktura, enerhiya, pagmimina, sasakyan, at iba pa at matutulungan ng Tsina ang Pilipinas sa pagpapataas ng lebel ng produksyong agrikultural at pagpapasagana ng uri ng mga produktong agrikultural.
Salin: Liu Kai