Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Philippines-China Economic and Trade Forum, idinaos sa Beijing

(GMT+08:00) 2011-08-31 17:47:31       CRI
Idinaos kaninang umaga sa Beijing ang Philippines-China Economic & Trade Forum. Dumalo sa porum sina Wang Qishan, Pangalawang Premyer ng Tsina at Benigno Aquino III, dumadalaw na Pangulo ng Pilipinas at bumigkas sila ng mga talumpati.

Ang porum na ito ay kauna-unahang pormal na aktibidad na nilahukan ni Aquino pagkaraang dumating siya sa Beijing para pasimulan ang 5-araw na dalaw na pang-estado sa Tsina at ito ay nagpapakita ng isang pokus ng pagdalaw na ito na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.

Sa kani-kanilang talumpati, sinariwa nina Wang at Aquino ang magandang iniunlad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas. Sinabi ni Wang na,

"Nitong 36 na taong nakalipas sapul nang itatag ng Tsina at Pilipinas ang relasyong diplomatiko, mabunga ang kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan na gaya ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, yaman, turismo, pinansya, agrikultura, teknolohiya, imprastruktura at iba pa. Noong isang taon, umabot sa 27.7 bilyong Dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa na lumaki ng 35% kumpara sa tinalikdang taon at ang Tsina ay naging ika-3 pinakamalaking trade partner ng Pilipinas. Ang kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa maraming larangan na gaya ng kabuhayan at kalakalan ay nakakapaghatid ng tumpak na benepisyo sa kanilang mga mamamayan."

Kasama ng dalawang proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas na isinalaysay sa porum na kinabibilangan ng pagtulong ng State Grid Corporation ng Tsina sa panig Pilipino sa pagsasaoperasyon ng power grid ng bansa at pagtatayo ng Luen Thai Enterprises ng Hong Kong, China ng mga bahay-kalakal sa Pilipinas, idinagdag din ni Aquino ang dalawa pang ginawang pamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas at sinabi niyang ang mga ito ay nagpapakita ng partnership ng dalawang bansa. Aniya,

"I would like to thank the Chinese people for their hospitality, and am pleased to welcome you to this conference. Your interest in the Philippine economy goes to show that my people's newfound optimism spills over to our neighbors here in China, and this has been attested to by two success stories of Chinese investments in the Philippines we just heard.

Let me add that other Chinese businessmen havepartnered with our Public Works and Highways Department. The Hebei Road and Bridge Group Company, Limited, and the China Henan Shuili; Yiju company, for example, have partnered with our Public Works and Highways Department in order to upgrade and maintain roads in Mindanao.

As I speak, these projects, worth 12 and 11 million dollars respectively, are currently being undertaken; and both are expected to be completed in 2013.These projects are only two examples of the enthusiasm that results from partnerships between our countries."

Sa porum na ito, isinalaysay ni Cristino Panlilio, Pangalawang Klihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, ang bumubuting kapaligirang pampamumuhunan ng kanyang bansa. Binigyan naman ito ni Pangulong Aquino ng ibayo pang paliwanag. Sinabi niyang,

"As I have been saying this past year: the Philippines is open for business. The atmosphere has not been this conducive for business in a long time, and as you have seen from Undersecretary Panlilio's presentation, my government continues to take steps to facilitate the entry of investments in our country. He has outlined our priority sectors, and enumerated our efforts to make the process of setting up and doing business in the Philippines easier. We have made the registration of business names a lot moreconvenient for businesses.

Our Department of the Interior, together with our Trade Department, hasalso been working with Mayors, Governors, and other local government officials to harmonize local statutes with national laws to make it easier for businesses to operate.

Most important among our efforts, however, is instilling a culture of transparency and integrity in government: weeding out corruption, and ensuring that businessmen--whether from within our shores or from foreign enterprises such as yours--are met with a level playing field."

Binigyan nina Wang at Aquino ng magandang prospek ang kinabukasan ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas. Ito ang sabi ni Wang,

"Kasunod ng walang humpay na pagsulong ng konstruksyon ng China ASEAN Free Trade Area at pagpapatupad ng ika-12 panlimahang taong plano sa pagpapaunlad ng lipunan at kabuhayan ng Tsina at ng Public Private Partnership Project ng Pilipinas, kinakaharap ng kooperasyong Sino-Pilipino ang bagong pagkakataon. Dapat buong taimtim na ipatupad ng dalawang panig ang lalagdaang panlimahang taong plano ng Tsina at Pilipinas sa pagpapaunlad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, ibayo pang galugarin ang nakatagong lakas ng kooperasyon, palawakin ang saklaw ng kalakalan at pabutihin ang estruktura ng mga panindang iniluluwas at inaangkat para, sa taong 2016, mapalampas sa 60 bilyong Dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan. Eenkorahehin ng Tsina ang mga kuwalipikadong bahay-kalakal nito na mamuhunan sa Pilipinas at lumahok sa mga proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura doon. Umaasa ang Tsina na patuloy na mapapalakas nila ng Pilipinas ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga multilateral na plataporma ng "ASEAN plus 1" at "ASEAN plus 3" para magkasamang mapasulong ang rehiyonal na integrasyon."

Ito naman ang sabi ni Aquino,

"The Chinese, perhaps amongst all the peoples of the world, know the value of taking the long view. You appreciate the point of thinking not only about the next step, the next day, or the next deal; you think years, even decades and generations into the future, strategizing your moves.

To this end, my country is taking a clear direction: we know that transparent and fair processes build investor confidence. More businesses mean more jobs, giving our people more chances to rise in society."

Bilang panapos, nanawagan si Aquino sa panig Tsino na gumawa ng mas maraming pamumuhunan sa kanyang bansa. Aniya,

"The ties between the Philippines and China go back centuries and I am hoping that our continued partnership will become stronger than ever. In the past our commercial relations have been more beneficial to you, than to us. Now, we have come here to balance the equation.

Together we can achieve mutual growth and provide benefits to our peoples. China is an economic power; I now invite the Chinese business community to take part in this opportunity to invest in an emerging economic force in the South East Asia.

I look forward to welcoming your investments into the Philippines. Let me declare once again: the Philippines is open for business."

Ganito ang sagot ng Pangalawang Premyer na Tsino.

"Ang mga bahay-kalakal ay nagsisilbing pangunahing bahagi ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at nakahanda ang pamahalaang Tsino, kasama ng pamahalaang Pilipino, na patuloy na lumikha ng mainam na kapaligirang pangkooperasyon para sa kanilang mga bahay-kalakal. Umaasa akong masasamantala ng mga mangangalakal ng dalawang bansa ang pagkakataon ng kasalukuyang porum at mapapalalim ang kooperasyon para magkasamang makalikha ng bagong kalagayan ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas."

Lumahok din sa porum ang mahigit 200 kinatawan mula sa sirkulo ng industriya, komersyo at bahay-kalakal ng Tsina at Pilipinas. Sa isang exclusive interview pagkatapos ng porum, tinanong namin si Presidential Spokesman Edwin Lacierda na kung mayroon konkretong halaga ng mga proyektong pangkooperasyon na narating ang dalawang bansa, sinabi niyang bagama't wala pa, nakita pa rin niya ang kahandaan ng mga mangangalakal na Tsino na mamuhunan sa Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>