![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
BUKAS na ang Pilipinas para sa daigdig ng kalakal. Ito ang buod ng mensahe ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang pagharap sa mga mangangalakal na Pilipino at Tsino sa pagdaraos ng Philippines-China Economic and Trade Forum sa China World Hotel, sa puso ng Lungsod ng Beijing kaninang umaga.
Binigyang-pansin ni Pangulong Aquino ang dalawang kumpanyang Tsino na nakipagkalakal na sa Department of Public Works and Highways sa pagsasa-ayos ng mga lansangan sa Mindanao. Ang mga ito ay ang Hebei Road and Bridge Group Company at ang China Henan Shuili. Ani ni Ginoong Aquino, matatapos ang mga proyekto sa loob ng dalawang taon.
Sinamahan si Pangulong Aquino ng may walong miyembro ng kanyang gabinete at may 270 mga mangangalakal sa paglalakbay na magdadala sa kanya sa mga Lungsod ng Shanghai at Xiamen.
Napapanahon na ang pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas bilang paghahanda sa ASEAN Economic Community na matutupad sa darating na 2015. Ani Ginoong Aquino, ang pagbubukas ng pinto para sa ASEAN Economic Community ay marapat nang maganap ngayon.
Tiniyak ni Pangulong Aquino ang pinag-isang mga palatuntunan mula sa national hanggang sa local government units upang huwag namang mabiktima ng korupsyon ang mga mangangalakal.
Hindi na umano magaganap ang mga minadaling mga kasunduan at susunod na mismo sa mga tamang pamamaraan ang lahat. Madarama na umano ang kanilang pina-igting na kampanya laban sa graft and corruption sapagkat higit na magtatagal ang mga kalakal kung patas ang lahat.
Nararapat lamang umanong naisaayos ang pagtitiwala ng mga negosyante sa mga kalakaran sa Pilipinas.
SAMANTALA, sinabi naman ni Presidential Spokesman Secretary Edwin Laciera na nagpasalamat na si Pangulong Aquino sa mga mangangalakal na naglagak na ng kapital sa Pilipinas.
Ani Ginoong Lacierda, binigyang-diin ni Pangulong Aquino ang pagpapatupad ng four rights – right projects, right cost, right quality at right on time.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |