![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa Beijing, China. Ipinahayag dito ngayong umaga ni Wang Qishan, Pangalawang Premyer ng Tsina, na dapat aktibong isakatuparan ng Tsina at Pilipinas ang panlimahang taunang planong pangkooperasyon ng dalawang bansa na lalagdaan sa pananatili ni Pangulong Noynoy Aquino sa Tsina at ibayo pang palawakin ang saklaw ng bilateral na kalakalan at sikaping mapalampas sa 60 bilyong dolyares ang bolyum ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa sa taong 2016.
Winika ito ni Wang sa Philippines-China Economic & Trade Forum. Sinabi niya na dapat patuloy na palakasin ng Tsina at Pilipinas ang pagkoordinahan at pagtutulungan sa ilalim ng mga balangkas na gaya ng "10+1" at "10+3".
Kasabay nito. Tinukoy ni Wang na ang mga bahay-kalakal ay nagsisilbing pangunahing bahagi ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at nakahanda ang panig Tsino na, kasama ang panig Pilipino, lumikha ng mainam na kapaligirang pangkooperasyon ng dalawang panig. Umaasa din siyang masasamantala ng dalawang panig ang pagkakataon para magkasamang makalikha ng bagong kalagayan ng kanilang kooperasyon.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |