![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Magkakasunod na kinatagpo ngayong araw dito sa Beijing si Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas nina Wu Bangguo, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), at Wen Jiabao, Premiyer ng Tsina.
Sa kaniyang pakikipagtagpo kay Aquino, sinabi ni Wu na nakahanda ang NPC na positibong isakatuparan, kasama ng Pilipinas, ang komong palagay na narating ng mga lider ng 2 bansa, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, maayos na hawakan ang mga hidwaan, pahigpitin ang pragmatikong kooperasyon, nang sa gayo'y, walang tigil na mapasulong ang relasyon ng 2 bansa sa bagong lebel.
Ipinahayag ni Wen sa pag-uusap na nakahanda ang Tsina na magsagawa, kasama ng Pilipinas, ng "5-taong plano ng pagpapaunlad sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas" at isakatuparan ang target na aabot sa 60 bilyong dolyares na halaga ng bilateral na kalakalan sa 2016.
Ipinahayag ni Aquino na nakahanda ang Pilipinas na maging partner ng Tsina sa komong pag-unlad; palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa kabuhayan, kalakalan, agrikultura, konstruksyon ng imprastruktura, turismo, at iba pang larangan at maayos na hawakan ang mga pagkakaiba para isulong ang pangmatagalan, malusog, at matatag na relasyon sa Tsina.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |