|
||||||||
|
||
Ngayong araw, ika-2 ng Setyembre ay ang ika-66 na Pambansang Araw ng Biyetnam. Hinggil dito, nagpadala ng mensahe ng pagbati si Hu Jintao, Pangulo ng Tsina at Pangkalahatang Kalihim ng Sentral Komite ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, kina Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam, at Truong Tan Sang, Pangulo ng Biyetnam, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-66 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Socialist Republic of Vietnam.
Anang mensahe, lubos na pinahahalahagan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa at nakahanda itong magsikap, kasama ang panig Biyetnames para palalimin ang aktuwal na kooperasyon at pasulungin ang sustenable, malusog, at matatag na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Kasabay nito, magkakahiwalay na nagpadala rin ng mensaha ng pagbati sina Wu Bangguo, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, Premyer Wen Jiabao, at Ministrong Panlabas na si Yang Jiechi, kina Nguyen Sinh Hung, Tagapangulo ng Parliamento ng Biyetnam, Punong Ministro Nguyen Tan Dung, at Ministrong Panlabas Pham Binh Minh.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |