![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
MULA sa Xiamen, dumating si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III dito sa Hongjian, ang lugar na pinagmulan ng mga ninuno ng kanyang ina, ang namayapang Pangulo Corazon Cojuangco Aquino. Dumalaw din ang dating pangulo dito may dalawampu't tatlong taon na ang nakalilipas.
Mainit na sinalubong ng mga mamamayan, opisyal ng bayan, barangay at mga kamag-anak ang Pangulong Aquino at mga kasama ng kanyang delegasyon. Ang kanyang ina ay kabilang sa ika-apat na henerasyong Filipino-Chinese mula kay Ginoong Co Yu Hwan, na nagmula sa Hongjian noong 1861.
Naging isang Katoliko at nakilala sa pangalang Jose Cojuangco na nagmula sa apelyidong Co Yu Hwan. Ang kanyang anak na si Melecio Co Jiangxi ay isinilang noong 1871 at nakapag-asawa ng isa Filipino Chinese na may pangalang Tiakla Chico noong 1894 at naging supling nila si Jose Cojuangco, Jr. ama ng namayapang Pangulo Corazon Aquino.
Ang Hongjian ay nasa hangganan ng Haicang District at Zhangzhou City at may naninirahang 1,700 katao na ang apelyido'y pawang Co.
Noong 1988, nagtanim si Pangulong Aquino ng araucaria tree na kamaganak ng coniferus evergreen. Habang lumalaki ang puno, nahati ito at nagkaroon ng dalawang magsing-taas na tuktok at kinilala ng mga taga-Hongjian na tataas din at magiging pangulo rin ng bansa ang ang anak niya.
Nagsindi rin si Pangulo Aquino ng insenso upang magbigay galang sa mga yumao.
Dumalaw siya sa isang gusaling naglalaman ng mga larawan ng pagdalaw ni Pangulong Corazon Aquino noong 1988.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino III na siya'y nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Hongjian. Ikinagagalak umano niyang sumilong sa ilalim ng punong itinanim ng kanyang ina noon dumalaw siya sa Hongjian.
Idinagdag ni Pangulong Aquino na umaasa rin siyang makikinabang sa lilim ng punong kanyang itinanim ang mga susunod na saling-lahi.
May 740 ang mga Filipino na sa Fujian Province ngayon na ang karamihan ay nasa Xiamen. Kasama rito ang mga propesyunal, technical workers at mga guro at entertainers.
Nagsalita rin siya sa harap ng mga negosyanteng Pinoy at Tsino at sinabing patas na ang lahat sa Pilipinas sapagkat epektibo ang pamamaraang ipinatutupad upang masugpo ang graft and corruption.
Lumisan si Pangulong Aquino pauwi ng Maynila ganap na ika-apat at tatlumpu't siyam ng hapon at darating sa Maynila ganap na alas-seis kuwarenta ng gabi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |