Nagpalabas kahapon ang Ministri ng Komersyo, Pambansang Kawanihan ng Estadistika at State Administration of Foreign Exchange ng Tsina ng magkakasanib na komunike na nagpapakitang noong 2010, muling naging pinakamataas sa kasaysayan ang kabuuang halaga ng direktang pamumuhunang panlabas ng Tsina, at ito ay nasa ika-5 puwesto sa daigdig. Sinabi ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo, na kahit nananatiling may-kabilisan ang pag-unlad nito, nasa inisiyal na yugto pa rin ang pamumuhunang panlabas ng Tsina.
Sinabi ni Shen na hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, 317.2 bilyong dolyares ang kabuuang saklaw ng direktang pamumuhunang panlabas ng Tsina, ito ang katumbas ng 1.6% ng kabuuang reserba ng pamumuhunan sa buong mundo na mas mababa pa kaysa sa halaga ng pamumuhunan ng Estados Unidos noong isang taon.
Salin: Vera