|
||||||||
|
||
Ang ika-walong China-ASEAN Expo o CAEXPO ay idaraos mula ika-21 hanggang ika-26 ng darating na Oktubre. Sa gaganaping expo, itatampok din ang kalakalan sa serbisyo na kung saan mapapayaman at mapapalalim din ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pinansya, turismo at edukasyon.
Kaugnay ng serbisyong pinansyal, sa gaganaping CAEXPO, itatampok ang personal financial management, enterprise financial management, financial inquiries at magsisilbi itong plataporma para makuha ng mga lalahok na institusyong pinansyal ang pinakahuling impormasyong pinansyal sa loob at labas ng bansa at mahanap ang pagkakataong komersyal. Kasabay nito, idaraos din ang Leaders' Forum ng Tsina't ASEAN sa Kooperasyon at Kaunlarang Pinansyal at lalahok dito ang mga puno ng kagawarang pinansyal ng Tsina at mga bansang ASEAN, puno ng mga institusyong pinansyal mula sa Tsina, ASEAN at Asya-Pasipiko, mga dalubhasa sa pinansya, mga kinatawan ng mga bahay-kalakal. Tatalakayin nila kung papaanong mapapasulong ang pragmatiko at inobatibong rehiyonal na kaunlarang pangkabuhayan sa ilalim ng integrasyon ng pagtutulungang pinansyal.
Mayaman sa yamang panturismo ang Tsina at mga bansang ASEAN. Sa kauna-unahang pagkakataon, sa taunang CAEXPO, bubuksan ang eksibisyon sa serbisyong panturista para maipromote ang pagkakataong komersyal ng mga lalahok na bansa sa aspekto ng turismo.
Batay sa mga natamong karanasan, ang tagapag-organisa ng CAEXPO ay magkakaloob ng kasiya-siyang serbisyo para sa mga lalahok na bahay-kalakal. Bukod dito, pagsasama-samahin din nila ang mahigit 170 media mula sa Tsina, ASEAN at iba pang bahagi ng daigdig para buong-husay na maikober ang gaganaping expo.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |