Pagpasok ng Hunyo ng taong ito, bihira ang pagbuhos ng ulan sa ilang rehiyon sa Timog Kanlurang Tsina, at napakalubha ng kalagayan ng tagtuyot sa mga rehiyong ito. Kaugnay nito, gumawa kamakailan sina Pangulong Hu Jintao at Premyer Wen Jiabao ng Tsina ng mahalagang patnubay na nagbibigay-diing dapat puspusang pabutihin ang gawaing panaklolo laban sa tagtuyot sa naturang rehiyon, igarantiya ang tubig-inumin ng mga tao at bawasan ang epekto at kapinsalaang dulot ng tagtuyot.
Nagsadya kamakailan naman sa Lalawigang Guizhou kung saan pinakamalubha ang kalagayan ng tagtuyot si Pangalawang Premyer Hui Liangyu ng Tsina para maglakbay-suri at pumatunubay sa gawaing panaklolo doon. Binigyang-diin niyang dapat pag-ibayuhin ng iba't ibang apektadong lugar at mga kinauukulang departamento ang gawain laban sa tagtuyot, totohanang igarantiya ang tubig-inumin ng mga residente sa lokalidad, at buong husay na isaayos ang pamumuhay ng mga apektadong mamamayan.
Salin: Vera