Sa kanyang pakikipagtagpo kay Klaus Schwab, Tagapangulo ng World Economic Forum (WEF) kahapon sa Dalian, Tsina, ipinahayag ni Premiyer Wen Jiabao ng Tsina na dapat palakasin ng iba't ibang bansa ang koordinasyon, walang humpay na magsikap para matupad ang masigla, sustenable at pantay na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ni Wen na sa kasalukuyan, mabagal ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, nananatili pa rin ang mga di-matatag na elemento at malaki ang banta na nangangailangan ng tapang at talino namin. Ipinahayag din ni Wen na ang tema ng kasalukuyang WEF ay pagbibigay-pansin sa kalidad ng paglaki, pagkontrol sa kaayusang pangkabuhayan, bagay na sumusunod sa tunguhing pangkaunlaran. Naniniwala siyang tiyak na maghahatid ng porum ng positibong signal sa buong daigdig.
Sinabi naman ni Klaus Schwab na nakahanda ang WEF na pahigpitin ang kooperasyon sa panig Tsino para maging isang plataporma ng pagpapalitan ng mga personahe mula sa iba't ibang sirkulo ng daigdig ang Summer Davos.