|
||||||||
|
||
Binuksan kahapon, local time, sa punong himpilan sa New York ang ika-66 na pangkalahatang asemblea ng UN. Isinalaysay ni Nassir Abdulaziz Al-Nasser, Tagapangulo ng pangkalahatang asemblea ng UN, na ang 4 na pangunahing tungkulin nito ay mapayapang paglutas sa hidwaan, reporma sa UN, pagpapabuti ng mekanismo ng pagpigil at paglaban sa kalamidad, at sustenableng pag-unlad at kasaganaan ng buong daigdig.
Iminungkahi din ni Nassir na ang paksa ng pangkalahatang debatehan ng naturang asemblea ay ang papel ng medyasyon sa pagsasaayos ng tunggalian o "The role of mediation in the settlement of disputes".
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |