|
||||||||
|
||
Binuksan ngayong umaga sa Dalian, Tsina, ang 2011 Summer Davos Forum. Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na dapat ibayo pang palakasin ng komunidad ng daigdig ang kompiyansa, pahigpitin ang kooperasyon, at magkakasamang harapin ang hamon.
Tinukoy ni Premyer Wen na dapat isagawa ng mga pangunahing economy sa daigdig ang mabisa at responsibleng patakaran ng pananalapi at pinansiya, maayos na hawakan ang isyu ng utang at panatilihin ang kaligtasan ng pamumuhunan at matatag na takbo ng pamilihan para mapanatili ang kompiyansa ng mga namumuhunan sa buong daigdig.
Sinabi pa ni Wen na may kakayahan, kompiyansa at kondisyon ang Tsina sa patuloy na pananatili ng matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan at pagbibigay ng bagong ambag para pasulungin ang sustenable at balanseng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |