|
||||||||
|
||
Winika ito ni Zhou sa panahon ng paglahok sa pulong ng mga overseas at ethnic Chinese sa buong mundo hinggil sa mapayapang reunipikasyon ng Tsina. Ipinalalagay niyang datapuwa't may mga pagkakaiba ang Tsina at E.U., mayroon pa rin silang komong interes. Ang relasyon ng dalawang bansa ay mahalagang mahalaga para sa kanilang mismo at maging sa kapayapaan ng buong daigdig, ngunit ang pagbebenta ng mga sandata ng E.U. sa Taiwan ay makakapinsala sa naturang relasyon.
Sinabi rin ni Zhou na ang unti-unting pagpapababa ng bilang at lebel ng pagbebenta ng mga sandata sa Taiwan ay isang pangakong ginawa ng E.U. sa Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at E.U. noong panahon ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, at umaasa ang Tsina na susundin ng E.U. ang pangakong ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |