Ipinahayag ngayong araw ni Wang Chen, Direktor ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina na naisakatuparan sa itinakdang panahon ang kauna-unahang pambansang plano na may kinalaman sa karapatang pantao ng Tsina.
Sa kanyang paglahok sa Ika-4 na Beijing Forum on Human Rights, sinabi ni Wang na mula noong taong 1978 hanggang taong 2010, mabilis na lumalaki ang karaniwang halaga ng produksyong panloob o GDP capita ng Tsina, na lumampas sa 4000 dolyares mula sa dating 200 dolyares. Mga 250 milyong mamamayan ang nai-ahon mula sa kahirapan. Aniya pa, naitatag na rin ng Tsina ang kumpletong sistemang pambatas, nakalahok sa ang 25 kombensiyong pandaigdig na may kinalaman sa karapatang pantao at buong taimtim na tinutupad nito ang mga obligasyong nasasaad sa nabanggit na mga kombensiyon.