![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
MULA sa New York, inulit ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang kanyang paninindigan hinggil sa West Philippine Sea bagama't sinabi niyang nais pa rin niyang panatiliin ang magandang relasyon sa kanyang kalapit bansa, ang bansang Tsina.
Inulit niya ang kanyang posisyon sa kanyang talumpati sa Asia Society kahapon sa Estados Unidos.
Ayon sa pangulo, nais pa rin niyang maging maganda ang relasyon sa Tsina at sa magkakataliwas na paghahabol sa mga pulo sa West Philippine Sea, mayroon na umanong nagawang linya sa pag-itan ng disputed at non-disputed "in terms of where we would never relinquish our sovereign rights."
Nanawagan na rin umano ang Pilipinas para sa mapayapa at "rules-based settlement of disputes." Maliwanag umano sa kanyang pagdalaw sa Tsina kamakailan na hindi nakasalalay sa usaping ito ang buong relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi rin ni Pangulong Aquino na ang Estados Unidos lamang ang nag-iisang kausap hinggil sa mutual defense na may pagpapahalaga sa kalayaan, demokrasya at paniniwala sa open markets.
Sa pagkakaroon umano ng parehong core values, higit na magtatagal ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Inanyayahan siya ng Asia Society na magsalaita tungkol sa kanyang domestic and foreign policy thrusts sa kanyang opisyal na pagdalaw sa America mula noong ika-18 hanggang ika-23 ng Setyembre ng taong ito.
Administrasyong aquino nais na magkaroon ng kasunduan sa mga rebeldeng komunista
SA MAYNILA, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi nawawala ang pagnanais ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Aquino na magkaroon ng wakas ang matagal na pakikipaglaban nito sa mga rebeldeng komunista sa mga susunod na panahon.
Ayon kay Kalihim Lacierda, naniniwala at umaasa ang pamahalaan na magkakaroon ng magandang patutunguhan ang peace negotiations sa CPP-NPA-NDF o Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front.
Ito ang reaksyon ni Ginoong Lacierda sa tanong kung umaasa ang pamahalaan na magdedeklara ng tigil-putukan ang mga rebelde matapos suspendihin ng militar ang kanilang military operations sa pagdiriwang ng International Day of Peace ngayong Miyerkoles.
Sa ceasefire ng pamahalaan nakikita ang layuning magkaroon ng kapayapaan sa bansa, dagdag pa ni Ginoong Lacierda. Subalit niliwanag iyang hindi makapagdidikta ang mga nasa pamahalaan sa mga rebelde na magdeklara rin ng ceasefire. Sa pagkakataong ito, makakadalaw ang mga rebelde sa kanilang mga pamilya.
Binigyang-diin ni Ginoong Lacierda na ang kapayapaang pangmatagalan ang siyang lulutas ng mga suliranin ng bansa at hindi kailanman sa pamamagitan ng dahas. Ipagtatanggol pa rin ng pamahalaan ang kanilang sarili kung sakaling sumalakay ang mga rebelde.
Nagsimula ang Suspension Of Military Operations o SOMO sa mga komunista kaninang alas dose uno ng madaling araw at magwawakas mamayang ika-labing dalawa ng hatinggabi.
Asean maritime legal experts magpupulong sa pilipinas
MAGPUPULONG naman sa Pilipinas ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Maritime Legal Experts sa Hotel Sofitel Philippine Plaza sa Lungsod ng Pasay mula bukas hanggang sa darating na Biyernes, ika-23 ng Setyembre.
Ang mga dalubhasa mula sa sampung bansang kasapi ng ASEAN, ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Lao People's Democratic Republic, Myanmar, Singapore, Thailand at Pilipinas ang mag-uusap tungkol sa panukala ng Pilipinas na magkaroon ng Zone of Peace, Freedom, Friendship and Cooperation sa West Philippine Sea na kilala rin sa pangalang South China Sea.
Ang pagpupulong ay bilang pagtalima sa desisyon ng ASEAN Foreign Ministers sa ika-44 na ASEAN Foreign Ministers' Meeting sa Bali, Indonesia para sa ASEAN Senior Officials na pag-aralan ang panukala sa tulong ng mga Maritime Legal Experts.
Anuman ang kahinatnan ng pag-uusap ay ibabalita sa ASEAN Senior Officials Meeting na magpapadala ng mga rekomendasyon sa ASEAN Foreign Ministers bago pa man sumapit ang ika 19 na ASEAN Summit sa darating na Nobyembre sa Bali, Indonesia.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |