Isiniwalat ngayong araw ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine o (AQSIQ) ng Tsina na hanggang noong katapusan ng nakaraang buwan, inimbestigahan nito ang 79 na libong iligal na kaso ng paglapastangan sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR at pagyari at pagbebenta ng mga peke at mahinang klaseng produkto. Ang mga nabanggit ay komersyal na kaso na nagkakahalaga ng mahigit 4.8 bilyong yuan RMB.
Sinabi ng opisyal ng AQSIQ na sa kasalukuyang Tsina, nananatiling namumukod ang problema ng pagyari at pagbebenta ng mga peke at mahinang klaseng produkto. Subalit, idinagdag niyang ang mga departemento sa inspeksyon ng kalidad sa Tsina ay aktibong nagtatrabaho at itinatatag ang mabisang mekanismo ng paglaban sa naturang mga aktibidad.
Salin:Sarah