|
||||||||
|
||
MATAPOS ang halos maghapon at magdamag na pagbuhos ng ulan at pagbugso ng hangin, unti-unti nang nakakabalik sa normal ang Kalakhang Maynila. Kagabi ay unti-unti ng nakabalik ang kuryente sa mga tahanang saklaw ng MERALCO.
Apektado ni "Pedring" ang may 349 na barangay sa 78 bayan at 17 lungsod sa 22 lalawigan at walong rehiyon ng bansa. Ayon sa datos ng pamahalaan, higit sa 35 libong pamilya ang apektado o higit sa isang daa't pitumpu't isang libong mamamayan ang nakaranas ng masamang epekto ng bagyo.
Higit sa 47,000 libo katao ang nasa evacuation centers samantalang may higit sa limang libo katao ang pansamantalang naninirahan sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak.
Hanggang sa sinusulat ang balitang ito'y 18 na ang naiulat na nasawi, 13 ang nasugatan at 35 ang nawawala samantalang nailigtas ang may 108 mga mamamayan sa kapahamakan.
P 200 milyon ang pinsalang iniwan ni "Pedring" sa Metro Manila samantalang ang initial report sa pinsala sa mga pananim ay umabot sa P 729 na milyon.
Apatnapu't anim na gusali ng iba't ibang paaralan ang nasira ng bagyo at nagkakahalaga ito ng may P 84 milyon. Hanggang ika-walo ng gabi kagabi ay may 61 lansangan ang 'di madaanan sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Cordilllera Administrative Region at maging sa National Capital Region.
Kabilang sa mga napinsala ng biglang paglaki (storm surge) ng alon sa Manila Bay ay ang U. S. Embassy at ang Hotel Sofitel Manila. Lubusang nasira ang seawall sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |