![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
LUBOS na nagpasalamat si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa mga mamamayan at pamahalaan ng Japan sa mainit na pagtanggap sa kanyang paglalakbay sa ikatlong pinakamalaking ekonomiya ng daigdig.
Sa kanyang tradisyunal na pakikipag-usap sa mga mamamahayag mula sa Pilipinas, lubos umano siyang nagalak sa desisyon ng Japan na panatiliin ang Y 9.2 bilyon Official Development Assistance sa Pilipinas kahit pa tinamaan ng malakas na lindol at tsunami ang Tohoku region noong nakalipas na Marso. May pangako umano ng mga pinuno ng Japan na ipagpatuloy ang ODA sa Pilipinas kahit pa hirap sila ay handa pa rin silang tumulong sa Pilipinas.
Lahat umano ng mga mangangalakal na nakausap niya kahapon ay nagpakita ng interes na palawakin pa ang kanilang investments sa Pilipinas lalo't higit ang sangkot sa energy sector.
Karamihan umano sa mga kumpanyang pinagkukunan ng enerhiya ay nagbawas ng kanilang energy consumption kasunod ng malubhang lindol kaya't nagbalik-aral ang mga kumpanya sa kanilang pamamalakad at nagdesisyong ilipat ang kanilang operasyon sa ibayong dagat.
Tutulong pa rin ang Japan sa Pilipinas upang matamo ang kapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front bilang kasapi ng International Monitoring Team at magpapatuloy pa rin ang mga proyekto sa ilalim ng Japan Bangsamoro Initiative for Reconstruction and Development Program.
Nangako rin umano ang Japan na pag-iibayuhin ang lakas ng Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng manpower at mga kagamitan.
Mahalaga umano ang "freedom of navigation" sa mga Japones sapagkat ang lahat ng kanilang petrolyo ay dumadaan sa South China Sea o West Philippine Sea kaya't sumusuporta ang Japan sa posisyon ng Pilipinas upang malutas ang sala-salabat na paghahabol ng iba't ibang bansa sa mga kapuluan ayon sa international law.
Nakatakdang dumating sa Ninoy Aquino International Airport si Pangulong Aquino sa ganap na ika-pito ng gabi ngayong Miyerkoles.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |