|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi kailanman magiging problema ang kalayaan at kaligtasan ng paglalayag sa South China Sea (SCS). Ang lahat ng bansa aniya ay nakikinabang dito, at ito rin ang komong palagay ng iba't ibang panig.
Idinagdag pa niyang umaasa ang Tsina na gagawin ng lahat ng mga may kinalamang bansa ang makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Noong ika-27 ng buwang ito, nagpalabas ng pahayag sina Punong Ministro Yosihiko Noda ng Hapon at Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas hinggil sa kalayaan at kaligtasan sa paglalayag sa SCS. Kaugnay nito, ipinalalagay ng ilang media na ang naturang pahayag ay naglalayong guluhin ang Tsina.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |