Bilang ng mga pasahero sa daambakal ng Tsina, naging record high
(GMT+08:00) 2011-10-02 15:46:51 CRI
Kahapon ay unang araw ng 7-araw na bakasyon sa panahon ng Pambansang Araw ng Tsina. Maraming mamamayang Tsino ang bumalik sa kani-kanilang lupang-tinubuan o naglakbay sa ibang lugar. Nang araw ring iyon, inihatid ng mga daambakal ng Tsina ang mahigit 8.92 milyong pasahero at ang bilang na ito ay naging pinakamataas na rekord kada araw.
Napag-alamang maalwan at maayos ang takbo ng mga daambakal kahapon sa Tsina at walang nastrand na pasahero sa iba't ibang lugar.
Salin: Liu Kai
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig