Sa kasalukuyang bakasyon ng Pambansang Araw, isinasagawa ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina ang mga hakbangin para maigarantiya ang maayos na pamumuhay ng libu-libong mamamayan sa rehiyong awtonomong ito na apektado ng malakas na lindol na naganap noong ika-18 ng nagdaang buwan sa Indya.
Sa kasalukuyan, isang grupong medikal ay nagkakaloob ng medical service, mental nursing at epidemic prevention service sa naturang mga apektadong mamamayan. Ayon naman sa estadistika, inihatid na ng Ministri ng Suliraning Sibil ang 12 libong tolda, 50 libong kumot at 50 libong pangginaw sa apektadong lugar.
Salin: Liu Kai