Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Limampu't lima katao ang nasawi sa magkasunod na bagyo

(GMT+08:00) 2011-10-02 18:33:08       CRI




LIMAMPU'T LIMA KATAO ANG NASAWI SA MAGKASUNOD NA BAGYO

LIMAMPU'T LIMA KATAO ang nasawi sa magkasunod na bagyong tumama sa bansa samantalang minamadali ng rescuers ang paghahatid ng pagkain at tubig sa daan-daang mga naninirahang binaha at nananatili sa mga bubungan ng kanilang mga tahanan sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

Patuloy na humina ang bagyong "Quiel" o Nalgae samantalang papalayo na ng Pilipinas. Parehong ruta ang dinaanan ng dalawang bagyo.

Tatlo katao ang nasawi sa bagyong "Quiel" samantalang 52 naman ang nasawi noong dumaan si "Pedring."

May kanya-kanyang kwento ang mga biktima ng pagbaha sapagka't hindi nila maunawaan kung bakit tumataas ang tubig baha samantalang mainit naman ang araw noong Biyernes. Sinisisi nila ang pagpapalabas ng tubig sa mga dam sa kautusan na rin umano ng mga nangangasiwa nito.

MALACANANG NAGBABALA SA MGA MAGTATAAS NG PRESYO NG BILIHIN

Binalaan ng Malacanang ang mga negosyanteng magtataas ng presyo ng kanilang mga paninda sa mga pook na matinding tinamaan ng bagyong "Pedring" at "Quiel".

Ayon sa Deputy Presidential Spokesperson na si Atty. Abigail Valte, ang Department of Trade and Industry ang siyang magbabantay sa presyo ng mga bilihin sa mga binagyong lugar.

Sa panayam sa himpilan ng radyong pag-aari ng pamahalaan, sinabi ni Atty. Valte na tinatawagan ng Malacanang ang mga negosyante na huwag gamitin ang kalamidad upang magtaas ng presyo ng kanilang mga paninda.

May mga balitang ipinagbibili ang mineral water sa halagang P 140 bawat bote sa mga binahang pook.

Patuloy na binabaha ang mga lalawigan sa Gitnang Luzon tulad ng Pampanga at Bulacan.

Nakakalat na umano ang mga tauhan ng pamahalaan upang magmasid sa presyo ng mga bilihin, dagdag pa ni Atty. Valte.

May mga nagpapadala na umano ng tulong mula sa international community subalit idinadaan ito sa mga pribadong samahan, dagdag pa ng tagapagsalita ng Malacanang.

MARAMING TULAY AT LANSANGAN ANG HINDI MADAANAN DAHILAN SA MAGKASUNOD NA BAGYO

MARAMING mga tulay at lansangan ang hindi madaan sa nakalipas na isang linggo matapos dumaan ang magkasunod na bagyo sa Luzon.

Dalawang tulay at lansangan ang hindi madaanan sa Ilocos Region samantalang may 18 naman ang napinsala sa Cagayan Valley, 21 sa Gitnang Luzon at 21 sa Cordillera.

Napinsala ang mga ari-ariang nagkakahalaga ng P 6.690 bilyon kabilang na ang higit sa isang bilyong pisong pinsala sa mga pagawaing bayan samantalang higit sa limang bilyong pisong pinsala naman sa mga pananim.

May limang libo at pitong daang mga tahanan ang tuwirang nasira ng magkasunod na bagyo at halos 35,000 libo ang naibalitang partially damaged.

Ayon naman sa Kagawaran ng Edukasyon, 76 na mga paaralan ang ginagamit na evacuation centers at pinaka-marami ang 37 paaralan sa Bicol Region. Umabot na sa halos tatlong libong pamilya ang naninirahan sa mga paaralang ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>