Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga rebelde, sumalakay sa minahan

(GMT+08:00) 2011-10-03 19:01:49       CRI




NABIMBIN ang mga kawani ng isang minahan, kabilang ang tatlong manager, matapos sumalakay ang mga rebeldeng kabilang sa New People's Army sa isang minahan sa Surigao del Norte kaninang umaga.

Sinabi ni Chief Supt. Agrimero Cruz, tagapagsalita ng Philippine National Police, ilang mga opisyal ng minahan at mga security personnel ang dinukot ng mga NPA mula sa Taganito Mining Corporation sa Claver, Surigao del Norte kaninang ika-sampu ng umaga.

Dalawang manager ang isinakay sa isang van at nagtungo sa Taganito sa Barangay Hayanggabon, Claver. Dalawang truck ng minahan ang sinunog ng mga armado.

Nagpadala na ng reinforcements mula sa isang Police Patrol Base, sa 13th Regional Public Safety battalion at Claver Municipal Police Station ang nakarating na sa lugar.

Ayon kay Col. Rodrigo Diapana, 402nd Army Brigade commander sa Prosperidad, Agusan del Sur, may 70 mga rebelde na nakasuot ng police uniform at sakay ng dalawang dump truck ang sumalakay sa Taganito Mining Corporation.

Sa hiwalay na ulat, may 200 mga rebeldeng armado ang sumalakay at dumukot sa ilang mga manager. Nagpadala na rin ng dalawang UH-1H helicopters sa lugar ang Philippine Air Force sa Davao City.

Kasabay umanong sinalakay ng mga rebelde ang Platinum Metals Group Corporation sa Kinalablaban, Cagdianao, Claver. Na-disarmahan ang lahat ng security guards sa kumpanya.

Kaninang ika-labing dalawa ng tanghali, hindi mabilang na computer units, isang mining barge at apat na Volvo trucks na pag-aari ng Taganito Mining Corporation ang sinunog ng mga rebelde.

Nakapaglagay pa rin ng blocking forces ang mga rebelde sa mga kalapit barangay. Isa sa mga tumugon na grupo ng mga pulis mula sa 13th Regional Public Safety Battalion ang nasagupa ng isang koponan ng mga rebelde.

Ibinalita rin ng media outlets sa Maynila ang pagkasawi ng tatlong security guards ng minahan samantalang hostage pa rin ang apat na kawani ng kumpanya. Pansamantalang itinigil ng kumpanya ang kanilang operasyon..

Sinalakay din ng mga rebeldeng sakay ng dalawang dumptrucks at sinunog din nila ang isang truck ng mga pulis. led ang isang police patrol base.

Ang Taganito Mining Corporation ay isa sa mga nangungunang nagbibili ng nickel ore sa Japan, Tsina at Australia.

Patuloy pa rin ang pursuit operations na isinasagawa ng mga militar at pulisya laban sa mga rebeldeng NPA.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>