TINIYAK naman ng Kagawaran ng Pagsasaka na hindi magkukulang ang bigasat iba pang mga produktong nagmula sa mga sakahan kahit pa binagyo ang mga bukirin sa hilaga at gitnang Luzon. Sinabi ni Kalihim Proceso J. Alcala, sa kanyang ulat kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, sa pamamagitan ng National Risk Reduction Management Council sa Kampo Aguinaldo, kukunin ang bigas na kakailanganin ng bansa sa Mindanao.
Wala umanong dapat ikabahala ang mga mamamayan sapagkat sapat ang bigas at napakaganda umano ng ani sa Mindanao. Inaalam pa umano nila ang naidulot na pinsala ng magkasunod na bagyong "Pedring" at" Quiel" Handa rin umanong tumulong ang Kagawaran ng Pagsasaka sa mga napinsalang mga sakahan at mga magsasaka.
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig