|
||||||||
|
||
SINABI ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos Deles na mas mahirap ang pagsasagawa ng peace talks kung walang kasabay na tigil-putukan o cease-fire. Ang mga pananalakay tulad ng ginawa ng mga NPA kahapon sa tatlong minahan sa Surigao del Norte ang siyang nagbabawas ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa peace process sapagkat nawawala ang koneksyon sa pagitan ng mga kasunduan sa negotiating table at sa nagaganap sa mga kanayunan at tila nagiging mapanganib na laro sa pagitan ng dalawang panig.
Sa isang statement, sinabi pa ni Ginang Deles na kung wala ang suporta ng mga mamayan, magiging mas mahirap ang negosasyon at higit na magiging mailap ang kapayapaan.
Idinagdag pa ni Ginang Deles na naniniwala pa rin ang pamahalaan sa peace process at patuloy na maghahanap ng mapayapang kalutasan sa mga sagupaan. Umaasa rin umano si Ginang Deles na pakikinggan ng mga kabilang sa Communist Party of the Philippines/New People's Army/National Democratic Front ang kahilingan ng mga mamamayang maghari ang kapayapaan at gugulin ang talino sa negosasyon sa pagpapatuloy ng pag-uusap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |