|
||||||||
|
||
DAHILAN sa pagsalakay ng New People's Army sa tatlong minahan sa Surigao del Norte kahapon, magpapadala ng karagdagang kawal ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa tatlong pook sa lalawigan.
Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Col. Arnulfo Marcelo Burgos, Jr., isang batalyon, isang light-reaction company at karagdagang mga helicopter ang ipadadala sa pook. Isang koponan ng mga kawal na pinangalanang Task Force Taganito ang binuo ng Eastern Mindanao Command at pangungunahan ni Lt. General Arthur Tabaquero. Hahabulin umano ng mga kawal ang mga sumalakay kahapon. Ipinag-utos ni AFP Chief of Staff General Eduardo Oban ang pagtugis sa mga gerilya. Nananakot na umano ang mga rebelde sapagkat wala ng mass base.
Sa balitang tuloy ang peace talks, sinabi ni Colonel Burgos na ipararating nila sa National Democratic Front ang pangyayari kahapon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |