|
||||||||
|
||
PINALAYA na ng mga gerilyang kabilang sa New People's Army ang dalawang nalalabing hostage na kanilang kinuha sa halos magkakasabay na pagsalakay sa tatlong minahan sa Surigao del Norte kahapon.
Ayon kay Police Supt. Martin Gamba, tagapagsalita ng Caraga police, hindi kinilala ang mga hostages subalit sila'y mga pawang kawani ng Taganito Mining Corporation at hindi naman sinaktan.
Hinigpitan na ang seguridad sa paligid ng Surigao del Norte samantalang inilunsad ang pursuit operations laban sa mga rebelde. Sa pangyayaring ito, sinabi ng National Democratic Front na magkakaroon ng mga pagsalakay laban sa mga kumpanyang lumalabag sa mga alituntunin sa kapaligiran.
Ayon kay Jorge Madlos, tagapagsalita ng National Democratic Front, higit na magkakaroon ng mga pagsalakay laban sa mga lumalabag sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran. Kailangan umanong ipagtanggol ang kalikasan, dagdag pa ni Ginoong Madlos.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |