Bubuksan ang ika-8 China-ASEAN Expo sa darating na ika-21 ng Oktubre. Bilang pangunahing bahagi ng mga aktibidad ng paggunita sa ika-20 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong pandiyalogo ng China-ASEAN, nakatawag ito ng malaking pansin mula sa iba't ibang panig.
Ayon sa salaysay, ang mga exhibition booth ng kasalukuyang expo ay mainit na tinanggap sa loob at labas ng bansa na umabot sa 4943 ang bilang, ito ay 23.6% na higit na marami kumpara sa orihinal na plano. Kabilang dito, ang Malaysiya, Indonesiya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam ay nagpareserba ng sariling pabilyon at ibayo pang tumaas ang kalidad ng mga kalahok na kompanya. Aktibo naman ang mga bansa mula sa iba pang rehiyong tulad ng Hapon, Timog Korea, Kanada at Finland.