Ayon sa ulat ng Kawanihan ng Siyensiya at Teknolohiya ng Guangxi, Tsina ngayong araw, sa panahon ng Ika-8 China-ASEAN Expo (CAEXPO), patuloy na idaraos ang perya ng hi-tek at mayroon ding bagong simposyum na kung saan tatalakayin ang pag-unlad ng solar energy at patakaran ng Tsina at mga kasaping bansa ng ASEAN hinggil dito.
Napag-alaman, ididispley sa Ika-8 Perya ng hi-tek ang mga maunlad at maisasagawang teknolohiya sa pagbabawas ng emisyon, pangangalaga sa kapaligiran, bagong enerhiya, modernong kagamitang agrikultural, pagpapaproseso ng produktong agrikultural, teknik sa pagtatanim at pagpapakain at iba pa.