|
||||||||
|
||
Ayon sa salaysay, ang ika-8 China-ASEAN Expo o CAEXPO, na may 4600 exhibition booth, ay ang pinakamalaki sa kasaysayan.
Mula ika-21 hanggang ika-26 ng buwang ito, idaraos ang ika-8 CAEXPO sa Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina.
Sa darating na ekspo, dadalo ang mga kilalang kompanya ng mga bansang ASEAN, na gaya ng DBS bank ng Singapore, at Vinacafe ng Biyetnam. Bukod dito, mayroon din itong espesyal na sona para mapasulong ang kalakalan ng mga malaking kargamento, na gaya ng palm oil ng Malaysiya, latex ng Thailand at Biyetnam, bigas ng Cambodia, at mga produkto ng mina ng Laos at Myanmar.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |